Ingay ng Nanay

Sabi nila maingay raw ang mga nanay.Hmmm.

Pagkatapos mo kong maigapang na makapagtapos ng pag-aaral hanggang kolehiyo may bago akong mga nalaman.

Sabi nila maingay raw ang mga nanay.
Pero base sa napag-aralan namin, ang kahulugan daw ng “ingay” ay tunog na hindi kailangan. Tunog na walang kahulugan.

Doon ko naintindihan na hindi maingay ang mga nanay.

Hindi ka maingay.

Kasi kung pakikinggan kong muli ang lahat ng mga salitang binitiwan mo, lahat naman ay may kahulugan. Lahat naman n’on ay mga tunog na kailangan ko.

Tunog na nagpapaalala.

Tunog na nagtatama ng mali.

Tunog na nagbibigay ng aral na hindi kayang makuha sa anumang institusyon.

Tunog na mapag-aruga.

Tunog na nagsasabing, “mahal kita, mag-ingat ka”

Tunog na sa hinaba-haba ng panahon na binigay sa’ting magkasama, naging para ng musika.

Kung “ingay” pa rin ang tawag nila sa mga salitang sasambitin mo, aba ayaw ko ng makinig sa kanila. Baka kasi sila naman talaga ang maingay at hindi ikaw? 

Ang himig ng tinig mo ang paborito kong musika. Sa tuwing uuwi ako, kahit wala naman akong kailangan sa’yo, ikaw at ikaw talaga ang unang hanap ko.

“Nasa’n si mama?”

Para sa may pinaka-magandang tinig sa tahanang pinamamalagian ko, mahal kita pero alam kong mas mahal mo ako. 
(Salamat sa pagmamahal at sakripisyo. 
Hayaan mong kahit kaunting sukli ng buong pagmamahal na iniabot mo ay makapagbalik kami. Kulang ang tula o ang maiksing sulat para sabihin sa lahat na napaka-pinagpala namin na ikaw ang ilaw sa tahanang ito. Napakaliwanag mo.)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s