Minsan nakakapagod ding makinig ng mga patawad na walang pagbabago.

Nakakapagod magsabi ng totoo na parang hindi naman napahahalagahan.

Nakakapagod magparating ng nararamdaman at mga kagustuhan dahil madalas hindi naman natutugunan.

Minsan, nakakapagod umasang mangyayari ang mga nais dahil hindi naman talaga napakikinggan.

Parang ‘yung kakilala kong laging nababanggit kung gaanong paulit-ulit niyang nasasabi sa minamahal niya ang kagustuhang magkaroon ng marka sa mga social media accounts niya, pero ni minsan, hindi siya napagbigyan. Madalas niyang sabihin ang mga gulong umiikot sa isip, na hindi ba siya worthy enough para maipagmalaki bilang nobya niya, na may pinagtataguan ba sila, may hindi ba dapat makaalam na mayroong sila, bakit ‘yung mga nakaraang babae sa buhay niya napagbigyan niyang maipagmalaki sa mga kakilala niya gamit ang social media, bakit ‘yung mga nakaraang babae sa buhay niya nagkaroon ng espasyo sa accounts niya. Bakit siya hindi pwede? Ang lahat ng nararamdaman ay mapapalitan lamang ng tila walang kabuluhang, “Sorry”, dahil hindi naman nangyari ang gusto niyang mangyari. Parang confirmation lang na medyo totoo ang mga gumugulo sa isip. Kahit noong maloko siya at mabanggit ang simpleng bagay na ito, ganon at ganoon pa rin ang natanggap niyang sagot. Patawad. Patawad na hindi nabigyan ng suporta at ebidensya. Makakatanggap lang ng panggi-guilt trip, panlalamig, pagkainis o pagtataboy na kung hindi kaya ang magtago, sa iba na lamang siya magtungo. Pagtataboy na parang walang pakialam o buong pagmamahal.

Patawad na ganyan ang naiisip mo na tila kasalanan pa niyang naiisip ang mga multo. Sa halip na patunayang mali ang mga naiisip tila ang paghingi ng tawad ay may halong akusasyon. Nakakadismaya.

Hindi maliit na bagay ang social media. Hindi naman niya hinihinging palagi siyang mag-post patungkol sa kanya o sa kanila. Nais lamang niyang makitang handang gawin ng isa ang lahat mapasaya lamang siya. Simpleng bagay ngunit naipagkakait. Libre lang naman ngunit hindi magawa. Palagi siyang itinatago tila ikinakahiya. Gaano ba kahirap na ipakita siya paminsan-minsan? Hindi ko rin siya masisi kung marami pa rin siyang pagdududa.

Low key relationships is not equivalent to not sharing it at all. I can’t seem to find the logic for her. I cannot tell her not to worry anymore because that should be her partner’s role— to assure, to protect, to provide— but it seems that he would not budge.

Leave a comment