Ligawan Mo Ulit

Ligawan mo ulit.
Iparamdam mong siya ang pinili,
Na hindi ka na titingin sa iba.

Ligawan mo ulit.
Patunayan ang mga salita.
Magbigay ng mga pangakong kakapitan.
Mga sumpa sa harap ng altar,
Sa harap ng Diyos na nakakakita.

Ligawan mo ulit.
Gawin ang mga gusto.
Hindi naman mahihirap eh.

Ligawan mo ulit.
Ipakita sa mundong siya ang pinili mo.

Social media.
Public.
Private.

Wag mo siyang itago.
Ipagmalaki kung totoo nga.

Ngayon ka mas magpakitang gilas.

Sunduin.
Ihatid.
Sabayan.
Samahan.
Ilakad hanggang tahanan.

Ngitian. Ipanalangin.
Hingiin sa kamay ng Diyos.

Mahalin.
Alagaan.
Protektahan.
Ipagmalaki.
Surpresahin.

Maging tapat.
Ipakitang totoo na lahat.
Tapos na ang kahapon.

Ligawan mo ulit.
Wag magreply ng late.
Humingi ng tawad sa nahuling sagot.
Ipaliwanag kung bakit.
Wag ng hintaying siya ang magtanong.

I-tag mo sa memes.
Ilagay mo sa My Day kahit sabihin niyang ayaw niya.
I-tag sa in a relationship status.
Unahan mo siya sa lahat ng bagay.

Layuan ang mga aaligid na malalandi.
Isipin mo ang maaaring mawala para sa pansamantalang ligaya.

Kapag mahal mo, wag pagmukhaing tanga.
Gawing sagrado ang matatamis na salita.
Wag ipamahagi sa kung kani-kanino.

Samahan ng galaw ang bawat patawad.
Patunayan.

Maging bukas sa mga nakakausap, sa mga ginagawa at pupuntahan. Hindi lahat kailangang itanong.

Ibalik ang tiwala.
Bigyan siya ng dahilang ibalik ang tiwala.

Patunayan.
Patunayan ang pag-ibig na nabahiran.
Ipaglaban siya.
Sabihing siya talaga.
Wala nang iba.

Kung siya na talaga,
Kung hindi mo siya kayang mawala.
Iparamdam na kaya mo siyang ipaglaban.
Ipaglaban kahit walang kasiguraduhan.
Yun ay kung tunay mo ngang mahal.

Leave a comment